Entry No.5 Mary Jane C. Gonzales


Me and my Diary Contest!

In celebration of ”My Serendipitous Day”

a. Describe your diary/planner.

Dalawa ang diary/planner ko, isang maliit na kulay blue na nabili ko sa Philippine Christian Book Store (PCBS) at isang malaking black na ibinigay ng officemate kong si Jovy Bajo.
Naging special sa akin ang daily planner na nabibili ko sa PCBS kasi nai-inspire ako kapag binubuklat ko ito. May mga mababasa kasing quotes o bible verses at mayroon ding ilan na may prayer requests page. Para ko na itong wallet na nadadala ko kahit saan. Lahat ng kailangan kong impormasyon ay dito ko isinusulat at maging ang iba’t ibang cards ko. Madalas kong isinusulat dito ay iyong mga biglaang plano at ‘di ko dapat kalimutan.
Sa malaking itim ko naman inilalagay ang mga detalyado kong ginawa at mga long term goals ko na puwedeng sa loob ng ilang buwan. Dito kasi may per hour, per week at per month account.
b. What is your ideal design for your diary/planner?
Gusto kong maging goal-oriented at well rounded person. Iyon nga lang ay paminsan-minsan ay nawawala sa focus o humihina ang passion ko dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Gusto ko iyong diary/ planner ko na na kasing laki lang ng nornam na notebook ay nahahati sa limang kadalasang concern sa buhay ng isang tao. Halimbawa ay may section tungkol sa career, finance, personality development, social, at spiritual. Kasi puwedeng maging masipag tayo sa larangan ng karera pero wala na pala tayong panahon para sa ating mga mahal sa buhay (social) o sa ating spirituality.
Okay din yung diary/planner na puwedeng pagdikitan kahit maliit na picture o ginupit na inspirational punch line. Mahilig ako sa anime, Asian series, music, interesting feature news, and movies pero siempre nag-iiba rin naman ‘yong taste mo so I think better na ganoon, basta kung saan ka mai-inspire. Colorful at may pagka-nationalistic ang gusto ko sa cover design. Para cover pa lang, alam na kaagad ang identity noong may-ari.

c. How does your Diary/Planner help you?

Nagsisilbing tagapag-aalala ang mga ito, hindi lamang sa dapat o plano kong gawin kundi maging sa mga natapos ko na. Kapag may organizer/ planner/ diary akong hawak mas productive ang isang araw, isang linggo o isang buwan ko. Mas may focus at mas nare-realize ko kung gaano ako kasipag o katamad sa isang period.
Pangalawa, halos nakakapag-inventory na rin ako sa mga entry ko rito lalo na’t nagsa-sideline ako at nag-iipon ng pera. Kapag hawak ko rin ang planner ko hindi ko na kailangan alalahanin kung ano mobile number ng dapat kong tawagan, ano ang account number ng dapat kong bayaran o anu-ano pang identification numbers ko.
Pangatlo, (cheesy pero totoo) nagbibigay inspirasyon. Kapag down ako, ‘pag binuklat ko ‘yong mga planner ko nararamdaman ko na blessed naman ako. Puwedeng may hindi ako nakuha pero may pagpapala naman akong natatanggap sa ibang aspeto. Saka namo-motivate ako na magpatuloy kasi may iba pa akong gustong gawin na dapat kong subukan na gawin.

Share this post

2 thoughts on “Entry No.5 Mary Jane C. Gonzales

  1. Sabi mo nga goal-oriented ka kaya swak na swak kayo ng diary-slash-planner mo kasi through it nalalagay mo iyong mga dapat mong gawin and it's nice kapag may proof ka na na-a-accomplish mo ang mga ito. Nakikita ko rin na nagiging stress relieverm o ito everytime you jot your thoughts or anything inspiring. Kaya aja!

    Reply

Post Comment