Ang “stand” ko sa Household Service Worker Ban

Pagkain at ginhawa para sa pamilya ang pangunahing dahilan kung bakit pumapasok bilang household service worker ang karamihan sa mga Filipina kabayan natin.
Pagkain at ginhawa para sa pamilya ang pangunahing dahilan kung bakit pumapasok bilang household service worker ang karamihan sa mga Filipina kabayan natin.

Bilang Overseas Filipino Worker (OFW) dito sa Kuwait, iba’t ibang experiences na rin po ang nangyari sa akin. Isa po sa mga ito ay ang pagkakaroon ng advocacy to be of assistance and to render service to fellow OFWs saan mang panig ng mundo, especially  sa mga kabayans na alam po natin na wala pang karanasan sa pag-aabroad o mga sinasabing 1st timer. Ikalawa dito ang pagbibigay tulong  laban sa abuse, violence at inhuman treatment mula sa kanilang mga employers. Ikatlo, pabibigay gabay sa mga kabayan na nakarating na sa bansa.

Para po sa akin, I am not in favor of the ban sa pagpapadala po ng mga Household Service Workers (HSW) to the Middle East pero kailangan po ay magkaroon ng kaukulang protection para sa kanila.

Let us say na out of 50 HSWs, ilan ang na maltrato? Ilan din naman po ang nagkaroon ng mabuting mga employers at dahil dito ay nakakapagpadala sila ng  maayos na remittance sa mga pamilya nila sa “Pinas. Tamang protection sana lamang ang maisakatuparan ng pamahalaan, tamang batas para sa lahat ng OFW at ‘di lang para sa mga HSWs.

Sa akin pong palagay, ang pinaka unang pagbibigay ng protection sa mga Filipina na HSW ay, bigyan sila ng mabuting training ng mga recruitment agencies na magpapadala sa kanila overseas, maimulat sila sa daratnan nilang kultura at kaugalian.  Second, sana ay  magkaroon ng matibay na written agreement between Philippine recruitment agencies at overseas agencies stating na magkakaroon ng liability ang mga foreign employers kapag hindi sila sumunod sa mga contract stipulations, pagkakaroon ng background investigation sa mga employer at kung nagkaroon na sila ng mga ilang kasambahay na ay masuring maigi ang kanilang record . Bigyan sana ng puntos ang minimum wage starting salary with reasonable increase based on performance, no confiscation of passports, once a week day off.  Employers will be held liable kapag na overwork ang mga HSW, with poor working hours and working conditions.

Hindi po sana pangarap ang  kahilingan na ito, sana ay  mabigyan ng pansin at maipasa sa batas dahil hindi naman natin mapipigilan ang kagustuhan ng mga kabayan ng kumita ng mas malaki sa ibang bansa at ipagpatuloy ang magandang pangarap sa pamamagitan ng pagiging isang Household Service Worker.

 

Author

2 thoughts on “Ang “stand” ko sa Household Service Worker Ban

  1. bart says:

    Parehas po pala tayo ng stand sa nasabing isyu. 🙂
    Hindi solusyon ang pagpapahinto sa pagpapadala ng HSWs sa Gitnang Silangan, kundi
    – Kailangan ang isang matibay na batas para sila ay maprotektahan laban sa pang-aabuso.
    – Dapat hawak ng mga HSWs ang kanilang passport o kaya ang kani-kanilang Agency mismo ang may hawak nito at hindi ang kanilang employer.
    – Ang nasabing agency na rin mismo ang magbibigay ng pasahod sa kanila para kahit papaano may kontak ang agency at ang nasabing HSW.
    – At higit sa lahat, para matupad ang kanilang pinipirmahang kontrata sa standard na pasahod.

    Maraming salamat po at God bless sa lahat na Filipino Workers sa buong mundo!
    Mabuhay po kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!