Ang Magasin para sa Kabayan

Ang magasin para sa Kabayan
Ang magasin para sa Kabayan

Mga Kabayan, nakalabas na po ang ikalawang isyu ng ating magasin nitong buwan. Sa tulong po ng iba’t ibang mga Fil Com dito sa Kuwait ay naipamimigay po ito ng libre sa tuwing may mga mitings at pagtitipon sa ating mga organisasyon.

Kami po dito sa Alkaline Media at Kabayan Global Magazine (KGM) ay nagtutulungan upang makapag lathala ng isang magasin, na kung saan ay parang nasa Pilipinas lamang tayong lahat sa tuwing binabasa natin ang bawat pahina nito. Ang KGM ay isang babasahin na madaling maintindihan ng mga Kabayan, ano man ang estado natin dito sa bansang Kuwait. Makikita din natin sa ikalawang isyu na ito ang mas makukulay na mga larawan na kaaya-aya sa paningin, at mga istorya na malapit sa puso at kapupulutan ng magagandang aral.

Halina Kabayan, at humingi ng libreng kopya ng KGM magasin! Ang magasin na para sa ating lahat.

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!