Purple, Violet at Lilac..

Maraming salamat po sa lahat ng aming panauhin!
Maraming salamat po sa lahat ng aming panauhin!

Isang taos pusong pagbati ang nais kong iparating sa aking mga kasamahan at sa lahat ng mga namumuno ng Alkaline Media Advertising Publishing, sa isang masagana at masayang blessing noong a nueve ng Mayo.

Kasabay nito ang pagpapakilala ng Kabayan Global Inspirational Magazine at Wow Travel and Lifestyle Magazine. Sa ganap na alas cinco y media ng hapon sa unang palapag ng Al Omar Building sa Al – Qibla, mistulang mga  bituin na nakasuot halos ng kulay purple, violet o lilac ang mga panauhin ng selebrasyon.

Sa aking palagay, may malalim na ibig sabihin kung bakit purple o violet ang kulay na napili ng mga nakatataas sa pamunuan ng kumpanya. Ang kulay na ito ay magkahalong sigasig at dalisay – pula (sigasig) at bughaw (dalisay).

Sa anumang selebrasyon, hindi maikakaila ang symbolic cake na dagdag saya sa okasyon.
Sa anumang selebrasyon, hindi maikakaila ang symbolic cake na dagdag saya sa okasyon.

Nawa’y ang susunod na mga araw na ating pagsasama at pagtatrabaho upang makaluwal ng magagandang mga lathalain, mga larawan na siyang tunay na makakatulong sa ating mga kabayan at ganoon din sa iba pang nais makakilala sa ating pagka Pilipino at sa ating bansang Pilipinas.

Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga panauhin na dumalo at nagbigay ng oras sa amin.

 

Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!