Sulating OFW

Dear Diary, 

Bakit ko nga ba sinulat ang Sulating OFW?
Hindi naman ako kumikita dito… at hindi din para kumita.

Sad to say, ‘di ko rin ito sinulat para lang mapasaya ko lamang ang aking sarili… o dahilan lang ng  pagkanaiinip.

Ang Hindi laruan ang puso ay sinulat ko mula sa inibinahagi sa akin ng isang kaibigan at isang kasamahan sa trabaho, ang madidinig ditong tinig ay mula sa isang gurong OFW dito sa Kuwait.

Ang Laro ng Pag-ibig ay sinulat ko mula naman sa pag unawa ko sa pag-ibig.

Ang Balikbayan Box ay halos dalawang (2) buwang dokumentaryo kung masigasig na sinubaybayan para isulat ang Balikbayan box ng isang OFW.Ito ay kuwento ni Titser Nena at mula dito ay madidinig din ang kanyang tinig kung paano binuo ang kanyang Balikbayan Box.

Makailang kape din, din muna at milyang lakad pa muna bago ko matapos ang aking Sulating OFW. Ilang tao pa kinapanayam bago pa man makapag simula at makailang sulatin bago ko paman ilathala…

Ang  Ang aking palaruan ay Kuwento ng tunay na aking naging buhay dito sa Kuwait sa paraang Alegoryang panunulat.Kung saan buong puso kong ibinihagi ang aking pananaw sa aking naging kapaligiran.

Ang Ang aking Paboritong Palaruan ay Padulasan ay larawan ng aking naging paboritong palaruan sa aming paaralan.

 Sinulat ko ito ng sa gayon maibahagi ko din sa ating mga kapwa OFW at para sa mga kababayan nating nasa ‘Pinas ang mga tunay na pangyayari sa likod ng buhay bilang OFW.

Kaya naman ng matapos ang aking sulatin…tamang oras naman para tikman ang sarili kong ginawang strawberry shake…


Author

4 thoughts on “Sulating OFW

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!