LARO NG PAG-IBIG

Kung ang pag-ibig ay isang laro
Sapat na bang ito’y itulad ko sa Ahedres
Kung saan hindi lang ako at ikaw ang may pang-unawa.
Kung ang pag-ibig ay Ahedres
Ating laruin kahit saan at kalian naiisin.
Hindi kuwestiyon ang edad, kasarian at propesyon.
Pagka’t ang aspeto’t panununtunan ay hindi kaila sa iba.
Kung ang pag-ibig ay Ahedres
Layunin ko’y ikaw ay mabitag
Pagka’t  di ko nanaisin ikaw ay muling gumawa
 ng  galaw palayo sa akin.
Sa ganitong paraan, alam kong  ako’y nagwagi.
 ========================================================================

Ang may akda ay gumamit ng  orihinal na larawan at tulang akma sa tunay na  buhay na pangyayari.  

Entry para sa kategoryang tula  Ikatlong Saranggola Blog Awards

Author

3 thoughts on “LARO NG PAG-IBIG

  1. Aj Banda says:

    wow.. ang love ay parang chess.. isang laro kung saan ang bawat isa ay nagpapakiramdaman sa ikikilos ng isa….

    mahusay!

  2. shyvixen says:

    kung ang pag-ibig ko ay ahedres…..
    gusto ko ay checkmate agad…
    lalo na kung ang iyong kalaro….
    ay ang taong pinakahihintay mo..

    ayun oh… napapatula ako…. goodluck sa entry!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!