A heartfelt reply of an OFW Mother to Dondon Lanuza Case

Dondon Celestino Lanusa OFW Case -KSA

Okey sige po kasi alam ko naman na kelangan lang talaga na gisingin kundi man turuan ang mga kababayan natin sa mga dapat gawin . Una hindi naman lahat ng magulang e tulad koang kaisipan. So dapat talaga kung may mga magulang nga ng OFW na makakabasa pa e mas mabuti. Kasi kadalasan e nauunahan lang ng takot at grabeng pag aalalala. Pero usually karamihan e talagang di rin alam ang gagawin so dapat talaga kung pwede lang e magkaroon ng lugar na kung saan sana e magkaroon ng tamang information para sa mga love ones nila dito . Kasi dito naman din ang dapat at unang pagkilos e lalo at tulad nyan na si Dondon e naiipit doon.

Pero sana makatawag ng pansin sa mga opisyales natin sa Senado or Congreso kahit na Presidente ang kahinaan ng ating DFA sa paglutas ng mga problema ng mga embahada na di na nagpalala hindi kelangan ang show manship sa ganitong mga prob. dapat dito e yong mga may utak at totoong pinagaralan ang foreign service ika nga. hindi yong kung sino lang ang naging ninong e ambassador na labor attache na staff na. dyan ang nararapat na maging education motivated and hunger . hindi yong street cleaner or garbage collector ka lang e kelangan pa ng college background dyan dapat ang mas matinding psycho test. kasi kung iaanalise mo ang mga nandyan e mukhang kelangan ng rehab sa mga utak nila e kaya hanapin mo magagaling natin andon sa abroad ang mga pinagkaitan dito na indemand sa abroad na mga walang natapos

ang pinakamagandang tulong dyan e magpadala ng press or media sa embahada ng pilipinas sa lugar nya. sad to say na anywhere in the world specially sa mid east part, our embassy there are manned by stupid staffs. they would only move and mind the help seekers if there is a media and a coverage. but with out it the ofws are at their mercy actually they would not mind you until they are threaten to be exposed. sa kuwait na lang ang anak ko hindi iintindidhin kung hindi nagkataong may media doon . bakit maraming mga staying sa embassy quarters hindi nila inaasikaso para may katulong sila libre, and staff ay mga volunteers so wala ng pasweldo e sino ba ang mga volunteers nayon. kaya ka lang aasikasuhin e pera pera din . unless nag pa panic na dito sa pinas i yang kaso na yan e hindi pa naka abut or DI PA pinaaabut sa DFA or sa MEDIA. actually maraming pinoy at pinay na kinasuhan ng wala naman talgang kasalanan.

maging DFA hindi kikilos unless maging sensation muna yan. at kelangang buong bansa to the worst na buong mundo e ibandera pa nila kung ano mang kabutihan or tulong na nagawa at kelangan maging BIDA ang sinumang staff or employee ng embahada or DFA ang gagawa ngpakikipag negotiations dyan.

kaya nga naghihirap pa din sa aborad e kapwa pinoy din ang nagpapahirap. noon ang anak ko na nasa japan nag karon ng kaso kelangan ko pang makipagmurahan sa labor attache. kelangan ko pang sabihin na kung di papauwiin ang anak ko punta ako direct sa DFA kelangan pang makipag takutan ako sa labor attache that time na si boy parungao. japan yan e gaano pa kaya ang nasa mideast na mga embahada natin. kaya lahat ng prob. inaabut ng ating mgakababayan duco or not pareho lang e bakit hindi nila alam ang gagawin sa mga prob. e kasi inaantay muna lumala at talagang di mo malaman kung may pinagaralan or nagtatangatangahan o bobo lang talaga.

Praise the lord talga at nakauwi na anak ko kelan lang. siguro kilala nyo yong attorney dekang at yong jack. yong decang e yong yong over all para sa ofw diba. hindi dapat nangyayari ang mga nangyayari sa mideast ofw natin kung anggobyerno lang natin lalo na ang mga embahada e talgang ikakagat nila ipin nila. kung wala ang mga ofw natin saan kukuha ng reserve ang bansa. all in all sa mga ofw natin documented or not malaki pakinabang ng bansa sa kanila. pero ang nag tatamsa at nagpapasarap e sino mostly mga nasa embahada. ewan lang kung ganon din ang mga nasa DFA. ang pinoy hindi dapat naghihirap ng ganyan kung may government back up lang. kaso hindilang kapwa pinoy kundi gobyerno natin pa ang syang nagpapahirap. sa japan si gma pa ang nag pahirap sa mga tinatawag na japayuki? e wala naman silang mabigay na alternative dito. at mismo dito sa atin bakit mahirap kumuha ng trabaho e dahil walng mandate ang gobyerno na maging madali ang pag hahanap or matanggap ka kasi masyado silang education hungry e mga bobo naman. bakit ko sinabi yan? hindi sa i put down ha, pero totoo naman na college grad. kung titingnan mo e di pa marunong ng good na lang wag nahanapin pa yong tawag na fluency in english. bakit ganon?? kasi maging mga teachers at schools and univeristies dito e nabibibli din nagagalit pa sila sa RECTO e sila nga yong kacompetensya ng RECTO enabibili sila for every year of studying, para ka makapasa. at least sa RECTO one time e mass produce muna docu mo.para marami kang ma applyan. bakit sa ibang bansa maraming mga halos walang tinapos o naka abut sa college. tapos dito college ka na e kung street worker e garbage collector college grad.? education hingry ang mga employers dito, pero sa totoo lang e backers greedy sila. malutong pa rin ang salitang NOT WHAT YOU KNOW BUT WHOM YOU KNOW

so mga pinoy na gusto mabuhay ng kahit pano e marangal, andon sa aborad lahat tinitiis. tapos isa pang cancer dito e pag ka umuwi ka na akala e nagwalis kat namulot ng pera sa ibang bansa mga taxi drivers na lang e an gkakapal ng mukha tinaga ka na sa rate hihingan k a pa ng kung ano dala mo? hello sila kaya ang mag abroad at gawin sa kanila ano?? ano ba tayong mga pinoy lugar na m agkaisa at magsamasama e mukhang tribo tribo at tayo tayo e nanlalamang at nangiisa sa mga OFW e nasaan na yan gmga MIGRANTE NA YAN na nag mamalasakit daw kuno sa mga OFW. dapat alam nila yan. or walalaan lang kasi di naman yan sensation at di sila kikita dyan parang sa anak ko na hostage yong passport tapos sinabihan na okey maghanap ka ng ibang employer, yon pala e gusto pagkakitaan yon gpassport e magkano ba sweldo nila sa anak ko di pa nga binayaran ng 1 month at ang employer ang nag breach ng contract. hindi pa tapos ang contract ng anak ko e baka yang si dondon e halos wala din kinita tapos hihingan ng ganyan kalaking halaga as BLOOD MONEY ba tawag dyan? e mga hidhid din sa pera yang mga arabo na yan e di ba sila nag iisip na trabahante lang yan at kung napatay man yan di ba dapat mag imbestiga sila bakit on din gawin sa kanila kahit pa may tinatawag tayong human right e alisin yan para sa kanila. or magpatikim naman tayo sa kanila ng ugali nila di mo naman masisi kasi nga itong bansa natin e at yong mga maraming kababayan natin na ewan ano ba talgang gusto nila sa buhay nila sa gobyerno. okey o hindi okey e pareho lang na sinisira at naninira.

 

Share this post

One thought on “A heartfelt reply of an OFW Mother to Dondon Lanuza Case

  1. nakakalungkot na isipin na minsan kapwa pilipino din ang nagbabaon sa kapwa pilipino…

    sana may plano din ang pangulo sa mga wangwang na mga opisyales ng immigration at mga consulates lalo na dito sa disyerto. Dito sa dubai parang lahat may bayad. Hindi mo matanong ng maayos, ang susungit parang laging busy nakikipagtsimisan lang naman sa katabi. Haizzz! Puro lang sila kabig!

    Reply

Post Comment